PASIMUNO NG GULO SA ZAMBOANGA CITY

burdado- jun brionesKUNG sino ang makikinabang ay siyang utak sa nagaganap na kaguluhan sa Zamboanga City. ‘Yan ang ating sagot sa mga katanungang natanggap kung sino ba talaga ang utak at ano ang posibleng dahilan ng insidenteng ito.

Sa kaganapan, isang bagay ang tiyak, na rito sa paglusob umano ng MNLF sa Zamboanga City ay wala silang nilusob, inagaw o inokupa na government, police o military installation.

Maliban na lang kung may plano si Nur Misuari na maging brgy. captain ng alinman sa mga barangay na kinalalagyan ngayon ng MNLF fighters! He, he, he!

Hindi rin maikakaila na noong mga nakaraang araw ay naglunsad ang grupo nina Misuari ng mga pagtitipon sa ilang bahagi ng Mindanao na tinawag nilang “Declaration  of Bangsamoro Independent Republic.”

Matapos iwagayway ang kanilang bandila ay mapayapa ring nilisan ng MNLF ang mga pinagdausang lugar.

Walang iniulat na putukang naganap noon o karahasang ginawa ang nasabing grupo, kaya mahirap paniwalaan na sa muling pagsasagawa sana nila ng kaparehong deklarasyon ay ginamitan na nila ito ng dahas!

Ito naman, parekoy, ang kaganapan sa Palasyo, bago ang insidente sa Zamboanga: PNoy: Kung hindi maibabaling sa ibang bagay ang atensyon ng taumbayan ay magiging tuloy-tuloy itong pag-aklas kontra sa PDAF.

Ang dulo nito, mawawala pati ang bilyon-bilyong PDAF ko . . . paano naman ako magkakaroon ng sandamakmak na perang pang-retirement?

Ang masakit, kapag tuluyang naalis ang Pork Barrel ng mga senador at kongresista ay hindi ko na sila makokontrol.

At sa kaunting pagkakamali ay baka i-impeach pa ako ng mga lintek! Kaya kailangang ibaling sa iba ang atensyon ng taumbayan!

Matanong lang kita AFP Chief Staff, gusto mo ba na pag-retire mo ay maging DND secretary ka, at mananatili habang si Mar Roxas ang Pangulo?

Kausap: Malaking karangalan po ‘yan sa akin, sir . . . Ano naman po ang maipaglilingkod ko sa problemang ‘yan?

PNoy: Kapag gumawa uli sina Misuari ng pagtitipon ay paputukan na ninyo at arestuhin  ang kanilang kasamahan!

Kausap: Ha? Naku eh, tiyak po na gaganti ang mga iyon!

PNoy: ‘Yan ang tinatawag na ‘calculated risk.’ Ibig sabihin ay magkakaroon ng gulo . . . kaya malaking balita ‘yan!

Pero dahil hindi naman talaga pinaghandaan ng MNLF ang kaguluhan sa okasyong ‘yan kaya madaling i-contain ang sitwasyon at malilimitahan ang kanilang galaw sa iilang lugar lang!

Kausap: Alang-alang po sa mahahalagang sinabi mo, maga-ganap ‘yan mahal na Pangulo.

Meeeen, fire!

Susmaryosep, ang samang panaginip, parekoy!

Parang totoo!


1 Response for “PASIMUNO NG GULO SA ZAMBOANGA CITY”

  1. ronnie poe says:

    dumale na naman yang marumi mung isip..wag ka na ngang magsulat para mabawasan yang kasalanan mu..

Leave a Reply

*
nyaahahahah tulad nitong si 'kapay' nangopya lang...
nyahahah ay korek ka pero dapat mong pagtawanan n...
sa mga kapamilya KUPS ipag dasal ninyo ang matagum...
Wala naman kaming pakialam kung ginaya lang ang TL...
yuhooo mga kapamilya KUPS hahahah anyare na kay E...
nyahahaha tinipid nga eh hahahahah,,,,minadali pa...
nyahahahah Trending ang nagiisang produce ng katol...
ohhh may fucking abshit cibuyas hahahahah may nag...
nyahahahahaha carmela 23 percent ikaw lamang 21 ...
nako, sa lahat ng telebabad sa Dos, yan ang inuuna...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.