Suplay ng bigas sapat – DA

BINIGYAN linaw ngayon ni Agriculture Sec. Proceso Alcala na walang kakulangan sa supply ng bigas sa bansa sa kabila ng mga nagdaang kalamidad.

Magugunitang halos P8 ang itinaas sa kada kilo ng commercial rice dahil sa umano’y kulang na ibinabagsak sa mga palengke.

Sinabi ngayong umaga ni Alcala na tapos na ang ‘lean season’ at nagsimula na ang anihan sa Palawan at sa southern regions gaya ng Western at Eastern Visayas gayundin sa Southern at Western Mindanao.

Ayon kay Alcala, sapat din ang buffer stock ng National Food Authority (NFA) na ibinebenta ng mas murang halaga.

Maliban sa mga nasa warehouse, parating na rin ang panibagong angkat mula sa Vietnam para matiyak na sapat ang supply sa buong taon.

Ang regular NFA rice ay mabibili sa P27 per kilo habang ang commercial NFA rice ay nasa P36/kilo.

Sa kasalukuyan sang-ayon sa data ng NFA, ang 65-day rice inventory ay may 684,000 metric tons (MT) sa commercial rice o para sa 20 araw; household, 882,000 MT o para sa 26 days supply; NFA, 538,000 MT o pang-18 araw na supply.


Leave a Reply

*
kagaya mo na malaswa?...
Tama, walang mga moralidad, iniidolo pa naman sila...
tama, you just hit the nail perfectly on the head....
Oo nga, agree ako sa writer na ilan na lang ang na...
NYAHAHAHAHA MATRONA KANOOD KO LANG NGAUN SA SHOWTI...
NYAHAHAHA MATRONA SANA I PROMOTE DIN NI KRIS ANG K...
KAPAY ABANGAN MO PALAGI SHOWTIME KAPAY GUMAGANDA N...
TALENT SILA NG KAMUNING KAPAY MGA WALANG GALANG S...
KAPAY MABUTI PA SI VICE KAHIT BAKLA MADAMI SYANG L...
nyahahahahah ; kapay' nung Holy week si bekin...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.