Call center agent, hinoldap na binaril pa sa Pasay

INIIMBESTIGAHAN na ng pulisya kung may iba pang motibo bukod sa panghoholdap ang dalawang hindi pa nakilalang suspek sa biniktima nilang 23-anyos na call center agent makaraang barilin pa ito sa kabila ng agarang pagbigay ng kanyang mamahaling cellphone kagabi sa Pasay City.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Blando Estabillo, ng 34 A. Delas Alas St., sanhi ng tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa tiyan.

Sa imbestigasyon ni PO3 Dennis Desalisa ng Station Investigation and Detective Management Section ng Pasay police, alas-9:15 kagabi habang naglalakad papasok sa trabaho ang biktima sa Taylo  St., nang harangin ng dalawang hindi pa kilalang suspek at nagdeklara ng holdap.

Dahil armado ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang mga suspek, kaagad na ibinigay ni Estabillo ang kanyang cellphone subalit bago tumakas ang mga suspek sakay ng isang tricycle ay binaril ng isa ang biktima na tinamaan sa tiyan.

Hihintayin naman ng mga imbestigador ang pagbibigay ng pahintulot ng mga doktor na sumusuri sa kalagayan ng biktima bago nila ito makuhanan ng pahayag na magiging daan sa malalimang imbestigasyon.


Leave a Reply

*
Paano madehydrate c kris e sagana sa burat ang pok...
ANOTHER PARANIG AT PANANAKOT NA NAMAN ITO ANGEL. E...
DA WHO si beteranang aktres? hay nako, halatado ta...
Kayong mga avid fans, bakit di na lang ninyo supor...
hahaha!...
Akala ko ba eh tuwang-tuwa si cristy kay Alex nung...
Ang dali ng answer ng BI mo, hindi kapamilya yon,...
hahaha! mas nakararami kase ang BOBITS kesa matali...
Kayong mga engot na opisyal ng gobyerno, bakit di ...
I agree, excited ako palaging panoorin ang Aquino ...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.