Special barangay polls gagawin sa Zamboanga

Comelec

NAIS ng Commission on Elections (COMELEC) na maidaos ang special barangay elections sa Zamboanga City na matatandaang una nang ipinagpaliban dahil na rin sa naganap na kaguluhan bago ang Nobyembre 30, 2013, kung kailan mag-e-expire ang termino ng mga kasalukuyang barangay officials.

Ito ayon kay COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr., upang maiwasan ang anumang holdover o pananatili sa posisyon ng mga incumbent village official kahit pa tapos na ang kanilang termino.

Matatandaang sinuspinde ng poll body ang eleksiyon sa 98 barangays sa Zamboanga City dahil sa tindi ng pinsala na nagawa roon ng armed conflict sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng Moro National Liberation Front (MNLF).

Pinagbasehan ng COMELEC sa suspensiyon ang mga sinunog na voting centers, gayundin ang mga paaralan na ginagawa pa ring evacuation centers ng mga residente.

Sinabi naman ni COMELEC Commissioner Christian Robert Lim, chairman ng steering committee on the barangay elections na humiling ang militar ng 30-araw para makapagsagawa ng clearing operations bago tuluyang isagawa ang halalan, na orihinal sanang nakatakdang idaos sa Oktubre 28.

Sa sandaling matapos ang clearing operations, kakailanganin pa rin ng COMELEC ng 19 na araw para paghandaan ang special elections.

About Gwenn

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>