Tulak timbog sa P200-K shabu sa Quezon

TIMBOG ang isang tulak ng ilIgal na droga matapos makunan ng shabu sa kanyang bahay sa Infanta, Quezon.

Kinilala ang suspek na si Lito Asis, alyas Palito, 45.

Nabatid na, tinungo ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang bahay ng suspek sa Barangay Miswa batay sa inilabas na search warrant ni Hon. Judge Arnelo Mesa.

Sa paghahalughog ng mga awtoridad, nakuha sa pag-iingat ni Asis ang isang transparent sachet ng shabu na may timbang na .7 grams at nagkakahalaga ng P4,000.

Matapos ang pagsisiyasat sa kanyang bahay, inisyu na rin ng pulisya ang isa pang search warrant para sa isa pang bahay ng suspek sa Barangay Pob Bantilan.

Sa naturang tahanan, nakumpiska naman ng mga pulis ang anim na piraso ng malalaking plastic na naglalaman ng shabu na may kabuuang timbang na 90 grams at nagkakahalaga ng P180,000.

Agad na ikinulong ang salarin.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply