Mahal mahilig pa rin sa lalaki

mahal

FAVORITE na i-blind item ng isang reporter ang pagiging mahiligin sa lalaki ng komedyanang si Mahal. As in kapag nakaramdam daw ng init sa katawan ang midget na character actress ay wala siyang paki na kunin ang serbisyo ng Papang type niyang makasama in bed. At hindi siya nangti-TY no? Nagbabayad ang maliit na ale. ‘Yung Viva Hot Men na kanyang pantasiya ay na-gets niya to the tune of 20 K.

Aba rich pala si Mahal. Pero siyempre kahit binayaran pa ang nasabing hunky Papa ay di maalis na mag-worry siya kung papano chochorvahin si Mahal. Ang liit nga kasi nito. Nairaos naman daw ang lahat at kung ano ang ginawa ng dalawa ay tanging sila lang ang nakaaalam.

Pagdating sa mga ganyang ka-elyahan ay walang imposible at nagagawan naman talaga ng paraan.

Saka andaming tulad ni Mahal na nabubuntis so ‘yun pa kayang chorva ang di kaya ng little comedienne? Kaya lang parang di naman yata tama na magbayad siya ng ganoon kalaki lalo pa’t girl naman siya at di bakla. Siguro, walang takers kaya idinadaan na lang sa salapi.

Wala tayong basagan ng trip gyud!

Call Center Girl Ni Pokwang Nakaka-40 Milyon Na Sa Takilya

Sa grand Presscon pa lang ng call Center Girl na pinagbibidahan ni Pokwang buong cast ay positive  ang  vibes na magugustuhan ng moviegoers ang pelikula nila na punung-puno ng katatawanan at aral sa buhay. At di nga talaga nagkamali sina Pokie, Enchong Dee, Jessy Mendiola, John “Sweet” Lapus, Cho-koliet, Ejay Falcon and the rest of the cast dahil ngayon pa lang ay umabot na sa 40 milyon ang kita ng Call Center Girl sa takilya and still counting!

Ngayon ay puwede ng iluklok si Pokie bilang Global Comedienne na kanyang inaasam at wala ng pwedeng komuwestiyon pa rito, noh? Lalung-lalo ka na, Manang Cristy Fermin na mapanglait ng kapwa. At totoo ‘yung sinabi ni Sweet na tataas pa ang level ni Pokie as comedianne dahil sa latest movie nilang ito na dinirek ni Don Cuaresma na first time gumawa ng comedy.

Syempre, very proud naman ang Star Cinema at Skylight Films sa mga naabot ngayon ni mamang Pokie sa kanyang career. Mabait naman kasi kaya pinagpapala.

Bayanihan Of ‘Da Pipol Ng Eat Bulaga Malaking Tulong Sa Ating Environment At Eskuwelahan
                   
Always ready sa kanilang mga plastic bottle at iba pang gamit na gawa sa plastic ang mga residente sa iba’t-ibang Barangay na kanilang ido-donate sa Plastic ni Juan project ng Eat Bulaga na ilang ta -on nang sinimulan ng EB Dabarkads. At malaking bagay ang mga ‘yan dahil aside sa mababawasan na ang mga basura ay nakapagpapagawa pa ang Bulaga ng plastic chairs na kanila namang ipinagkakaloob sa mga Public School kung saan libong eskuwelahan na ang nabigyan nila nito. Hindi lang upuan ang gamit nito kundi may lalagyan din ng mga libro nang estudyante. Kumbaga all in one na kaya ikinatuwa ito ng mga school na nakatanggap ng nasabing biyaya. At para sa mga pumipila naman daily sa Bayanihan of ‘Da Pipol ay may cash na ipinamimigay para sa apat na winners kung saan bawat isa ay mananalo ng 10K at sa Bayanihan line naman ay may 500 na ang bawat isa. At may karagdagang 20K naman ang Bulaga para sa mga mapipiling maayos at tahimik na pilahan.

3 Comments

  1. sexy

    December 4, 2013 at 2:45 am

    SAN ANG 40M SA SM MEGA MALL NGA NABIBILANG ANG MGA LANGAW SA LOOB… CERTIFIED FLOPCHINA KAYA TO! MAGKANO BAYAD SAYO AT PRAISE RELEASE MO AY 40M BWAHAHAHAHA…

  2. KapamilyaRocks

    December 4, 2013 at 3:25 am

    Tama pala ang guess ko sa b.i. a few days ago tungkol sa pandak na bumayad ng 20k para matikman ang isang lalaki at yun ay walang iba kundi si Mahal. :-D

  3. chocoleit gil

    December 4, 2013 at 9:35 am

    YAHAHAHHA ERIC SALUT STRIKE AGAIN HAHAHAHHA TEKA MATAWAGAN NGA,,,,MAY SOURCES AKONG IPIS DUN HAHAHAHHA,,,,HMMMP TEKA SINABIHAN NA NGA PALA AKO, NUN,,HUWAG MAGPAPANIWALA AGAD,,YAHAHAHAHA,,,PERO TAWAGAN KO PA RIN,,,,,YAHAHAHAH,,,,,SI MAHAL TALAGA,,,,HINDI KAYA SIYA NAWALAN NG ULIRAT,,,,,NAKAYA KAYA NIYA,,,HAHAHAHAH ,,,,SIYA RIN KAY YUNG VIVA HOTMEN NA, NA CALL- A CALLBOY NI POKWANG…HAHAHAHA ILAN KASI SA KANILA AY MGA CALL BOY…HAHAHAH

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>