2 salvage victim ikinalat sa QC

DALAWANG salvage victim ang itinapon sa Brgy. Bahay Toro, Quezon City kaninang madaling-araw, Pebrero 9, 2014.

Inilarawan ang mga biktima na tinatayang 35 hanggang 40-anyos, kayumanggi ang balat, naka-suot ng t-shirt at maong pants, habang ang isa ay 30 hanggang 40-anyos, kayumanggi ang balat at maiksi ang buhok.

Ayon kay SPO1 Edwin dela Cruz ng Quezon City Police District station 3 Talipapa, natagpuan ang bangkay ng mga biktima sa kahabaan ng Fema Road, Brgy. Bahay Toro, QC ala-1:15 ng madaling-araw.

Sinabi sa ulat na isang tawag ang natanggap ng Barangay Police Security Officer (BPSO) Jose Yaquit sa Brgy. hall ng Barangay Bahay Toro dahil sa natagpuang dalawang bangkay sa lugar.

Matapos magtungo sa lugar bumungad sa mga brgy. tanod ang bangkay ng dalawang hindi pa kilalang lalaki na nakabulagta at tadtad ng tama ng bala sa katawan.

Inaalam na ngayon ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima.


Leave a Reply

*
NYAHAHAHAHA GANYAN NAMAN DYAN SA KAMUNING MGA TALE...
NYAHAHAHA 3.6 MILLION INDIVIDUAL NA ANG NATULONGAN...
mas mabantot si kristd sa mga stars ng dos . di ba...
tama kayo mabaho para kay kristd ang mga stars ng ...
NYAHAHA STD DAHIL SA MGA STARS NG DOS ANG NET INCO...
TAMA KA GURANG MASARAP PAG USAPAN KUNG SINO ANG NU...
HAHAHA TAMA KA TROY PURITA ANG MGA STARLETS SA KAM...
NYAHAHAHAHA PIKON NA ANG MATANDANG MABAHO .. TANGA...
STD DI AKO KATULAD MO NA BALIW HAHAH TOTOO LAHAT Y...
Korek! Yan ang tinatawag na "wise spender". It on...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.