Sex escapade ng 2 estudyante sa school campus na-video

KUMALAT social networking site ang sex video ng mga estudyante sa loob ng Bacolod City National High School compound.

Kinumpirma ni BCNHS principal Jose Dayot na sa loob mismo ng campus ng BCNHS naganap  ang pakikipagtalik ng 14-anyos na babae at 20-anyos na lalaki habang kinukunan ng video at pinapanood ng dalawang iba pa.

Sinabi ni Dayot na maging ang mga mag-aaral at mga magulang ay nagulat at hindi makapaniwalang ginawa mismo ang sex video sa loob ng kanilang paaralan.

Napag-alaman na nakarating sa kaalaman ng principal ang hinggil sa nasabing sex scandal nang magreklamo ang magulang ng babae.

Pinauubaya naman ng principal sa mga magulang ng babae kung magsasampa ng kaso laban sa lalaki.

Samantala, humingi ng paumanhin si Dayot sa publiko matapos madungisan ng sex video ang pangalan ng kanilang paaralan na tinitingala ng iba pang secondary schools sa Bacolod City.

Pinag-aaralan naman ngayon ang posibleng pagbabawal ng cellular phones na may camera sa loob ng BCNHS campus upang maiwasan na maulit ang naturang pangyayari.


1 Response for “Sex escapade ng 2 estudyante sa school campus na-video”

  1. Marty says:

    Grabe studyante subong 14 years old palang ga start na sa amo ni nga butang..

Leave a Reply

*
OHHH KAPAY? BAKIT KA AFFECTED? WAHAHAHAHA IDOL MO ...
KAPAY KAPAY ... EASY EASY ANG BLOOD PRESSURE ,O LO...
NYAHAHAH KAPAY DI NA BUMENTA YANG PRALALA MO NA CO...
nyahahahah si Luis gagastos ng/ engagement ring s...
nyahahahah ' kapay' yung Starlet ninyong malaki a...
nyahahahah " kapay" hayan halatang nagsisinungalin...
nyahahahaha 'kapay' bhukeet alang Commercial load...
nyahahahhaha korek pero wala sa report nila yung...
SINO KAYA MATANGGAL SA SASY FLOP HAHAH WAWA MAWALA...
NYAHAHAH MASAKIT TANGAPIN NA TALUNAN KUNG ANO ANON...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.