3 patay, 25 sugatan sa banggaan ng bus at trak sa Quezon

3-dead

3-dead-accident

TIAONG, QUEZON – Isang madugong vehicular accident ang naganap sa pagitan ng isang dump truck at bus sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Lalig, alas-11:50 kagabi.

Naganap ang madugong aksidente sa pagitan ng JAM Liner (TWZ-661) at body number 202 na minamaneho ni Jovanne Lungayan Empestan ng Tukuran, Zamboanga del Norte at isang Hyundai dump truck (UHX-955) na minamaneho naman ni Arwin Magnaye Manalo ng Sto. Cristo, Sariaya, Quezon.

Nabatid na habang nilalakbay ng nasabing bus ang southbound lane ng highway ang kaliwang bahagi nito ay banggain ng kasalubong na dump truck at hindi na nakontrol ng driver ang manibela nito na nagresulta sa pagtaob ng nasabing bus.

Kinilala naman ang tatlong nasawing pasahero ng tumaob na bus na sina Remedios Montiano Sangrones, Alyssa Rosanne Singayan at Eden Montiano Sangrones habang ang 25 sugatan naman ay dinala sa ibat-ibang pagamutan.

Ang driver ng dump truck ay sumuko sa Tiaong Municipal Police Station matapos ang insidente.

Kasalukuyang nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon sa nasabing insidente ang Tiaong Police.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>