BABABA ANG PRESYO NG BAWANG SA HALAGANG P130 BAWAT KILO

IBINALITA ng Department of Agriculture ang pagbaba ng presyo ng bawang sa halagang P20 pesos sa bawat kilo na nagkakahalaga ng P130 bawat kilo sa mga lokal na pamilihan bago magtapos ang isang linggo.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala na mula sa market price monitoring na ibinigay ng Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS)-Food Terminal Project, na ang presyo ng bawang ay humangga sa P280 noong July 4, pero bumaba naman sa P150 ngayong linggo sa mga palengke ng Pasay Public Market, Marikina Market Zone at sa Muñoz Market sa Quezon City.

Sa Pasig City Mega Market, bumaba ang presyo ng bawang, mula P280 hanggang P200 (para sa katulad na panahon); Marikina Public Market, mula P300 hanggang P280.

Sa Quezon City, bumaba rin ang presyo sa Commonwealth Market, mula P300 hanggang P180; Mega Q Mart, mula P280 hanggang P200; New Arayat Market, mula P280 hanggang P200.

Ang halaga ng bawang ay bumaba ng P100 ngayong linggong ito, mula sa P300 noong nakaraang linggo sa Polo Market sa Valenzuela. Samantalang sa Mandaluyong, bumagsak ang presyo mula sa P300 noong nakaraang linggo hanggang sa P200 bawat kilo.

Maagang siniguro ni Kalihim Alcala sa publiko na gagawin ng gobyerno na kayang-kayang mabili ng mamamayan ang murang bawang sa pamilihan at hinimok ang mamimili na tangkilikin ang native na bawang sa ating mga pamilihan.

Ayon pa sa kanya, ang DA ay ginagawa ang lahat ng paraan upang proteksyunan ang pagkawala ng lokal na uri ng bawang na nagpakita ng napakaraming ani, partikular sa Northern Luzon.

Tinuran pa ni Kalihim Alcala na ang biglaang pagbaba ng halaga ng bawang ay isang “blessing in disguise” at nagsisilbing panggising at pananggalang sa mga local na produksyon sa kabila ng mga suspetsa nang pagmamanipula ng presyo ng mga mapagsamantalang mangangalakal. ANG INYONG LINGKOD/Dr. Hilda Ong

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply