Minahan sa Indonesia gumuho, 18 patay

INIULAT ngayon ng pamahalaang Indonesia ang pagkamatay ng 18 katao matapos gumuho ang isang minahan ng ginto sa isang remote area sa Central Indonesia.

Ayon sa search and rescue officials, naganap ang pagguho bago mananghali noong Sabado sa West Borneo sa bulubunduking bahagi na talamak ang illegal gold mining.

Kabilang sa mga narekober na bangkay ay ang 16 na lalaki at dalawang babae.

Nabatid na naging laganap ang illegal gold mining sa Indonesia dahil mahal umano ang presyo ng ginto doon. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply