1-buwang ceasefire sa NPA, ikakasa ngayong Pasko

ISANG buwang katahimikan ng kalooban at masayang pagdiriwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon ang regalo ng pamahalaan sa sambayanang Pilipino.

Sinabi ni Presidential Peace Adviser Teresita “Ding” Geles na mula sa hatinggabi ng Disyembre 18 hanggang Enero 19 ng susunod na taon ay nakakasa na ang tigil-putukan sa panig ng gobyerno laban sa New People’s Army (NPA).

“The Suspension of Offensive Military Operations (SOMO) and Suspension of Offensive Police Operations (SOPO) jointly announced by AFP and PNP covering the period 19 December (from midnight of 18th) to 19th January 2015 is in line with GPH Christmas tradition as government has always wished to provide for our people’s peaceful and joyful celebration  of this holy season and a hope–filled welcome to a new year. This year, we affirm even more reasons for an extended Christmas ceasefire,” ayon kay Sec. Geles sabay sabing “Cessation of hostilities will allow unhampered rehabilitation of calamity –affected communities, many of which are also conflict-affected, and sustain the goodwill generated from the positive results of the collective disaster preparedness undertaken by  government and communities.”

Gagamitin na rin aniya ang pagkakataon na ito para sa paghahanda ng pamahalaan para sa nalalapit na pagbisita ni Pope Francis sa bansa.

“With the silencing of guns, our preparations for and celebration of Pope Francis’s visit may be carried out with undistracted prayers and deep hope for abundant blessings to be showered on our people,” aniya pa.

Matapos aniya ang mga pagsubok sa mga nakalipas na Christmas season ay may pagkakataon na ang lahat ng pamilya at komunidad na magsama-sama para ipagdiwang ang mahalagang okasyong ito at pag-asa. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply