DoH, nagpaalala sa laruang ipangreregalo sa mga bata

PINAG-IINGAT ng Department of Health (DoH) ang publiko sa pamimili ng mga laruang pang-regalo sa mga bata ngayong Pasko.

Ayon kay DOH spokesman Dr. Lyndon Lee Suy, dapat na tiyaking akma sa edad ng bata ang laruan.

Dapat ring ligtas ang mga ito, hindi choking hazard at walang halong nakalalasong kemikal.

“Aside from being appealing and suitable for a child’s age, toys should be safe from choking, sharp points or edges, especially for young children,” ani Lee Suy. “A safe toy is one that is suitable to the child’s physical capabilities and mental and social development, is appealing and interesting, well-constructed, durable, and safe for the child’s age,” aniya pa.

Para sa isang-taong gulang na sanggol pababa, maaaring magbigay ng mga rattles, malalaki at makukulay na mga bola, washable stuffed dolls o mga animals na may malalaki at malilinaw na mukha.

Sa mga edad dalawa hanggang tatlo, maganda umanong magbigay ng wooden animals, mga manika, kiddie cars, modeling clay, at rocking horses, habang sa mga edad apat hanggang limang-taong gulang ay maaaring magregalo ng mga puppets, push toys, building blocks, bola at saranggola.

“Always check the labels on the packaging of toys and follow the instructions or precautions in the labels. And dispose the plastic packaging accordingly. Keep it out of the reach of children,” paalala pa ni Lee Suy.

Hindi naman aniya mainam na gawing pang-regalo sa mga batang wala pang tatlong-taong gulang ang mga laruang choking hazard, tulad ng mga maliliit na bola, o yaong may mga maliliit na parte na madaling masira, matutulis, o may bahagi na maaaring maging dahilan nang pagkasugat sa kanila.

“Mahalaga ang buhay. Tiyakin natin na ang ireregalong laruan ay magdadala ng saya at hindi disgrasya. Salubungin natin ang Bagong Taon nang ligtas, masaya, at puno ng pag-asa,” pahayag pa ng health official. MACS BORJA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply