Skyway, SLEX at Star tollway, libre sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon

MAY pamaskong handog ang Skyway, South Luzon Expressway (SLEX) at Star Tollway sa mga motorista.

Mula 10 p.m. ng Disyembre 24 hanggang 6 a.m. ng Diyembre 25 o araw ng Pasko ay libre ang tollway.

Sa bisperas naman ng Bagong Taon, libre ang tollway mula 10 p.m. ng Disyembre 31 hanggang 6 a.m. ng Enero 1.

Kaugnay nito, handa na rin ang pamunuan ng naturang mga expressway sa pagdagsa ng mga biyahero na pauwi ng probinsya at paluwas ng Maynila ngayong holiday season.

Paiigtingin nila ang traffic at security operations simula Disyembre 21 hanggang Enero 4. ROBERT TICZON

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply