Maria Isabel Lopez, ‘di rin kumporme kay Stella Marquez Araneta

BUMISITA kami sa last taping day ng “Ang Lihim Ni Annasandra” sa Wawa Dam, Rodriguez, Rizal at naroon ang buong cast – sina Andrea Torres, Mikael Daez, Maria Isabel Lopez, Rochelle Pangilinan, Pancho Magno at Glydel Mercado. Last two weeks na lamang ang afternoon prime ng GMA 7 pero walang may gustong mag-preempt kung ano ang mangyayari sa mga eksena, lalo na sa final episode nito sa February 7.

Since habang nandoon kami ay on-going ang “Miss Universe” beauty pageant, natanong si Maria Isabel kung ano ang comment niya sa binabatikos na national costume na suot ni Miss Philippines MJ Lastimosa. Ang gown ay ginawa ng isang Colombian designer na pinili ni Ms. Stella Marquez Araneta ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. para gumawa nito.

Ayon kay Maria Isabel, 1982 Binibining Pilipinas-Universe, sacrilege raw na hindi isang Filipino designer ang gumawa ng gown ni MJ Lastimosa sa beauty pageant. Marami raw tayong mas mahuhusay na fashion designer and it boils down to respect sa kanila para igawa ng gown ang ating Philippine representative sa Miss Universe 2014.

***

Natawa na lamang si Dingdong Dantes sa pangungulit sa kanya ng mga DongYan fans nang makausap nila ang Kapuso Primetime King, kung kailan ba raw sila magkakaroon ng baby ng wife niyang si Marian Rivera-Dantes. Almost a month pa lamang nang ikasal sila, kaya ang sagot ni Dingdong, pagdating sa bagay na iyon, wala pa siyang maisasagot, sino raw ba naman sila para panghawakan sa kanilang mga kamay ang ganoong bagay.

Iniiwan daw nilang lahat iyon sa kamay ng Panginoon kung kailan gusto silang bigyan ng baby. Nai-excite raw sila ni Marian dahil pareho silang mahilig sa bata, pero alam nilang may tapang panahon, para sa nalalapit na mga biyaya.

Everything is normal pa rin sa kanila ng bagong misis, pero ang story nilang dalawa, isusulat nila kung may mga pagbabago sa kanilang mga pananaw, sa kanilang pagkatao. Kumusta naman ang bagong misis niya, sagot ng actor, “From the very start, I know that she will be the best wife for me.”

Back to work na sina Dingdong at Marian. Si Marian, iyong mga naiwan pa niyang work bago sila ikasal, like new endorsements, nakipag-meeting na siya, si Ding, nagkaroon na ng outreach sa Bulacan, as Chairman ng kanilang Yes Pinoy Foundation (YPF) na nag-donate sila ng isang ambulansya sa Bulacan province, with Governor Wilhelmino Sy-Alvarado and Vice Governor Daniel Fernando.

Malamang sabay din silang magsimulang mag-taping ng kani-kanilang drama series by February, 2015. Sa April, 2015 pa magsisimula siyang mag-host ng “StarStruck 6” na balitang magiging co-hosts niya sina Sarah Labhati at Iya Villana. FRONT SEAT/NORA V. CALDERON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply