Mga sangkot sa indiscriminate firing noong Bagong Taon, kinasuhan na

NARVACAN, ILOCOS SUR – ‘The damage has been done.’

Ito ang pahayag ng Philippine National Police (PNP) Region 1 hinggil sa paghingi ng “public apology” ni Drew Lutchina sa PNP na nabulabog sa kontrobersyal na indiscriminate firing sa pagsalubong sa Bagong Taon sa San Antonio, Narvacan sa nasabing lalawigan.

Sinabi ni Provincial director S/Supt. Nestor Felix, kinasuhan na nila kasama si Drew Lutchina ang mga kaibigan nito na sina Ian Christopher Calixterio, Russel Funtanilla, Cezar Funtanilla, Mark RJ Cabana, Mark Cachola, Jumar Cabreros, at Geronimo Gomez sa nangyaring indiscriminate firing.

Nauna rito, humihingi ng paumanhin si Lutchina sa mga miyembro ng PNP na nabulabog hinggil pa rin sa kontrobersyal na indiscriminate firing.

Si Lutchina ay humihingi din tawad sa lahat ng nakakita sa ipinost nitong mga larawan at video clips sa kanyang Facebook account, lalung-lalo na sa mga kapulisan at kay Ilocos Sur Governor Ryan Singson.

Aniya, hindi man niya sinadya ang ginawa nitong pag-post sa mga nasabing larawan at video, wala na raw siyang magagawa kundi ang tanggapin na nangyari na ito.

Nagsisisi siya sa ginawa niya ngunit sinabi niya na nakahanda siyang harapin ang kaso na naihahain sa korte.

Samantala, tikom pa rin ang bibig ni PNP-Ilocos Sur spokesman, Police Superintendent Leland Benigno hinggil dito.

Ayon kay Chief Insp. Rex Bucayan, hepe ng Narvacan, Ilocos Sur Police, kumpirmadong anak ng pulis ang isa sa mga nabidyuhang nagpapaputok ng baril sa Bgy. San Antonio subalit hindi pa ito maaaring pangalanan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Nasa PNP Regional Office na ang pulis para magpaliwanag. ALLAN BERGONIA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply