Senado, pag-uusapan ang mas mahabang maternity leave

pia-cayetano1

INAASAHANG pag-uusapan na sa Senado ang pagbibigay ng mas mahabang maternity leave sa mga babaeng employees mula 60-days hanggang sa apat na buwan.

Ayon sa Senate committee on women family relations and gender equality na pinangungunahan ni Sen. Pia Cayetano, aasahang pag-uusapan ang limang panukalanang batas kaugnay sa pagbibigay ng mas mahabang bakasyon sa mga ina na bagong panganak para mabigyan ng sapat na oras sa breastfeeding ng kanilang anak.

Sinabi ni Cayetano na sa kasalukuyang batas, ang maternity leave ay outdated at kailangan nang maamyendahan para sa international standards at policies.

Aniya, base sa International Labor Organization, ang inirerekomendang maternity leave ay 14 weeks o mahigit tatlong buwan. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply