Estudyante tigbak sa hazing

NAGDADALAMHATI ang pamilya Comendras matapos mamatay ang kanilang mahal sa buhay dahil sa hazing.

Ang biktima ay nakilalang si Joemarie Comendras, 22, ng Purok 6, Alabel, Sarangani Province.

Ayon kay Jovy Comendras, ina ng biktima, isang first year college student ang kanyang anak sa kursong Criminology sa Cronasia College sa Lungsod ng GenSan.

Nangyari aniya ang insidente nang mag-advance training si Joemarie sa Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).

Noong December 2014, nagtataka sila matapos hindi na umano makalakad si Joemarie kaya dinala sa doktor at napag-alamang may spinal injury ito.

Unang dinala sa pampublikong ospital ang biktima pero inilipat din sa pribadong pagamutan para matutukan ang sitwayon.

Mula noong buwan ng Enero ay isinugod muli sa pagamutan ang nasabing mag-aaral at binawian ng buhay noong Mayo 14.

Naniniwala ang mga magulang ng biktima na dumanas ito ng pambubugbog ng mga opisyal ng ROTC kaya nagkasakit hanggang tuluyang mamatay.

Hanggang sa ngayon hindi pa nailibing ang biktima dahil hindi pa nababayaran ang hospital bill. MARJORIE DACORO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply