DepEd, pag-aaralan ang ‘gay lingo’ sa pagtuturo

PINAG-AARALAN ngayon ng Department of Education (DepEd) ang posibilidad na paggamit ang “beki” o gay lingo bilang official medium of instruction sa pagtuturo.

Ayon kay Education Sec. Armin Luistro, ang paggamit ng mga bagong nabubuong kolokyal na kagaya ng “beki” ay kasama na sa pagbabago at hindi na ito mapipigilan pa.

Sa ngayon ay katanggap-tanggap na sa lipunan ang nasabing salita, ginagamit na ng karamihan at posibleng maging bahagi ito ng official communication.

Ginawa ni Luistro ang pahayag kasabay ng selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto.

Nabatid na naging mainit na usapin ang gay language nang tawaging “charot” (joke) ni Malacañang spokesman Edwin Lacierda, ang True State of the Nation Address (TSONA) ni Vice-President Jejomar Binay.

Sinagot naman ito ng spokesman ni Binay na si Joey Salgado sa pagsasabing “chaka” (hindi maganda) ang State of Nation Address ng Pangulong Noynoy Aquino. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply