PNoy pinangunahan ang Nat’l Heroes Day celebration

pnoy3

PINANGUNAHAN ni Pangulong Aquino kaninang umaga ang mga opisyal ng pamahalaan at kinatawan ng diplomatic corps sa pag-aalay ng bulaklak sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio.

Alas-8:00 kanina nang isagawa ang flag-raising ceremony na sinundan ng wreathlaying ceremony sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, nakikiisa si Pangulong Aquino at ang buong pamahalaan sa mga kababayan sa paggunita ng Pambansang Araw ng mga Bayani.

Aniya pa, sa araw na ito marapat na bigyan-pugay ang ating mga bayani na nagbuwis ng kanilang buhay upang ipaglaban ang ating kasarinlan na siyang naging pundasyon ng ating tinatamasang pag-unlad.

Dagdag ni Coloma, sana’y patuloy silang maging bukal ng inspirasyon sa ating mga Pilipino at sa mga susunod na henerasyon na naghahangad ng magandang buhay sa kanilang mga pamilya. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply