Bautista, lusot na rin sa CA

MATAPOS maudlot ang kumpirmasyon ni Comelec Chairman Andres Bautista, tuluyan na itong lumusot sa Commission on Appointments (CA) nitong Martes.

Magugunitang naunsiyami ang kumpirmasyon ni Bautista dahil sa hininging paliwanag ni Sen. Juan Ponce Enrile kay Bautista hinggil sa mga hindi na-transmit na election returns ng ilang polling precincts noong 2013 midterm elections at kung paano ito maiiwasan.

Nagpadala naman ng full report si Bautista sa komite.

Bagama’t hindi nakadalo sa CA plenary si Enrile, nagpadala naman siya ng sulat sa Senado at sinasabing kuntento na siya sa report ni Bautista.

Sina Buatista at DILG Sec. Mel Senen Sarmiento ay isasalang na lamang sa plenary para pormal na makumpirma ng CA.

Hindi naman natalakay ang kumpirmasyon ni Comelec commissioner Shariff Abas dahil humingi ng pagkakataon si Sen. Alan Peter Cayetano na makapagtanong subalit ipinagpaliban muna dahil wala ang solon. LINDA BOHOL

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply