Pagnenegosyo, pagagaanin sa APEC members

ISUSULONG ng mga APEC Finance Ministers ang pagpapagaan ng pagbubukas ng negosyo sa mga bansang kasapi ng organisasyon.

Bahagi ito ng agenda ng APEC Finance Ministers’ Meeting dito sa Lapu-lapu City, Cebu na ang keynote speaker ay si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Nais ng meeting na maalis ang mga balakid at pabigat na bayarin sa pagnenegosyo sa 21-member economies.

Una sa sumalang nitong sa unang bahagi ng linggo ang NEDA para ilahad ang mga business prospects sa Pilipinas.

Inaasahang pangunahing makikinabang dito ang mga small-medium enterprises (SMEs) na karaniwang napag-iiwanan sa mga multi-national companies.

Ang mapagkakasunduan dito ay ihaharap sa mga APEC Leader sa kanilang summit sa Nobyembre dito rin sa Pilipinas. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply