Parusa sa indiscriminate firing, pinatataas

ISINULONG ng mga kongresista ang pagbibigay ng mas mataas na kaparusahan sa iligal at walang habas na pamamaril.

Inihain nina Magdalo Party-list Reps. Francisco Ashley L. Acedillo at Gary C. Alejano ang House Bill 6105 na tinawag nilang “An Act imposing more stringent penalties for the crime of alarm and scandal.”

Nakapaloob sa panukala ang multang hanggang P200.00 o mula sa kasalukuyang P10,000.00 – P40,000.00.

Gayundin ang pagkabilanggo ay magiging mula isang araw hanggang anim na buwan.

“Heavier penalties, as proposed, would help deter or at least minimize the incidence of indiscriminate discharge of firearms in the future, and hopefully, help bring down the number of injuries and loss of lives resulting therefrom,” banggit pa nina Acedillo at Alejano.

Binigyan-diin ng dalawang kongresista ang anila’y nakaaalarmang kaso ng “indiscriminate firing” lalo na sa tuwing Pasko at Bagong Taon.

Karaniwan anilang nasasangkot dito ay mga pulis, sundalo, security guards at mga sibilyan na nagpo-post pa anila sa social media.

Ang masakit anila ay pawang mga inosente ang nagiging biktima na namamahinga lamang sa kani-kanilang tahanan.

Dahil sa lomolobong kaso nito, si PNP spokesperson, P/C Supt. Wilben Mayor ay inulit ang panawagan ng Malakanyang na itaas ang parusa sa mga lumalabag dito.

Ang kasalukuyang parusa ay multang P200.00 at pagkabilanggo nang hanggang 30-araw.

Kabilang na rin sa panukala ang kanselasyon sa lisensya sa baril at permit to carry (PTC) ng sinomang gagawa ng paglabag at kakaharapin nito ang kasong illegal possession of firearm.

Kung empleyado ng gobyerno o miyembro ng law enforcement agencies ay mahaharap naman ito sa summary dismissal sa serbisyo at perpetual disqualification sa alinmang posisyon sa pamahalaan. MELIZA MALUNTAG

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply