Provincial buses bawal sa underpass ng EDSA

BAWAL nang dumaan ang mga provincial bus sa underpass ng EDSA.

Sa hindi pa kumpirmadong petsa ay sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na papayagan lamang ang mga ito na dumaan sa yellow lane.

Ang panibagong hakbang ay bahagi ng solusyon laban sa matinding trapiko sa Metro Manila (MM) lalo na sa EDSA.

Bukod dito, epektibo sa Setyembre 15, 2015 ay magsisimula na ang truck ban mula Lunes hanggang Sabado ng alas-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi.

Walang truck ban tuwing linggo at tuwing holiday.

“Mayroon naman po, ang exemption po rito, ‘yung northern truck route where the truck allowable period will still be 24 hours subject to several prohibited dates,” ayon kay Usec. Valte. KRIS JOSE

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply