Sen. Poe sa Mamasapano incident, oks sa Malakanyang

IPINAUBAYA na ng Malakanyang kay Sen. Grace Poe ang gagawin nitong diskarte sa intensyon nitong muling buksan ang Mamasapano incident.

Naniniwala si Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na hindi ito makakaapekto sa ginawang imbestigasyon ng Justice Department sa nasabing insidente.

“We defer to the senators as to how she intends to proceed with the mamasapano investigation in the senate,” ayon kay Usec. Valte.

Sa ulat, kinokonsidera ni Sen. Grace, chairman ng Senate committee on public order, ang muling pagbubukas sa Mamasapano incident makaraang magpahayag si Pangulong Benigno Aquino III na may alternatibong bersyon na nangyari sa bakbakan sa pagitan ng 44 Philippine National Police-Special Action Force at MILF.

Nagpalabas ang komite ng report nito noong nakaraang Marso kung saan lumabas na may pananagutan si Pangulong Aquino sa nasabing misyon ng PNP-SAF.

Inilunsad ng PNP-SAF ang kanilang operasyon upang arestuhin sina Jemaah Islamiyah leader Zulkifli bin Hir na mas kilala bilang Marwan. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply