DepEd officials, mag-uusap para sa kaalaman sa kasaysayan

MAKIKIPAG-USAP si Department of Education (DepEd) Sec. Armin Luistro sa mga school supervisors upang masilip ang anomang kakulangan sa kaalaman sa kasaysayan ng mga ito.

Ito’y kasunod na pagkadismaya ni Pangulong Benigno Aquino III sa kakulangan ng kaalaman ng ilang mga mag-aaral sa mga pambansang bayani.

Pagtitiyak naman nito, hindi nagkukulang ang kanilang opisina dahil sa patuloy ang kanilang pagbibigay ng kaalaman sa mga mag-aaral sa kasaysayan ng bansa kahit na nagpatupad sila ng K-12 program.

Ang pagkadismaya ng Pangulong Aquino ay nagbunsod ng dumating sa kaalaman nito na maraming mga mag-aaral ngayon ang hind nakakaalam na may kapansanan si Apolinario Mabini na isang karakter din sa pelikulang “Heneral Luna” na pinuna kung bakit lagi itong nakaupo. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply