Tax law, kailangang pag-aralan – Edwin Lacierda

KAILANGAN munang pag-aralan ng pamahalaan ang tax laws lalo na ang panukalang ibaba ang income tax rate bago patulan ang sinabi ni Sen. BongBong Marcos na ibigay na lamang ang bagay na ito sa publiko bilang Christmas gift.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, pabor silang mag-uwi ng malaking suweldo ang bawat empleyado subalit kailangang rebisahing mabuti ang tax law ng bansa.

‘Yon lang naman po ang sinasabi ng ating pamahalaan. Pag-aralan po natin nang maayos ang ating tax laws. Hindi po tayo nagtaas ng buwis. Naintindihan po natin ang concern ng ating mga kababayan kaya pag-aralan po natin. Ano ang sinasabing malasakit? Pinag-aaralan po natin kung ano ang mga… Kung pwedeng gawin, pag-aralan po nating lahat. Hindi po tayo… We’re not against that. I mean, let us not… Let us not mislead the public. The President and his Cabinet and this government (are) in favor of reviewing the tax laws,” ayon kay Sec. Lacierda.

Pinalagan naman nito ang naging pahayag ni Rep. Martin Romualdez na ang posibleng pagsuporta ni Pangulong Aquino sa suhestiyong ibaba ang income tax rate ay pagpapakita ng kawalan ng malasakit ng chief executive sa mga ordinaryong mamamayan.

Pinasaringan naman ni Sec. Lacierda si Sen. Marcos na huwag magpakalat ng maling impormasyon sa publiko ukol sa ginagawa ng pamahalaan sa sambayanang Filipino lalo pa’t malapit na ang halalan sa bansa.

“Sinasabi nila marami silang pwedeng ibato sa gobyerno. Kung may katotohanan, titingnan, kung kasinungalingan, sasagutin. ‘Yon lang naman po. Ano ba ang trabaho ko bilang tagapagsalita? E kung ‘oo’ na lang ho sa lahat ng kasinungalingan ng mga ibang tao, hindi ako papayag diyan, ‘di ba? Trabaho po nating sabihin kung ano ‘yung ginagawa po ng pamahalaan at marami pong ginagawang serbisyo ang ating pamahalaan sa ating mga kababayan. Kaya huwag na huwag nilang sasabihing walang puso ang gobyerno, walang malasakit ang gobyerno. Sa buong anim na taon po ng ating gobyerno, gagawin po lahat para matulungan ang mga nasa laylayan po ng ating lipunan,” ayon kay Sec. Lacierda. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply