133 pang PAL flights, kinansela

NADAGDAGAN pa ang flights ng Philippine Airlines (PAL) na kanselado ngayong Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Sinabi ni PAL spokesperson Cielo Villaluna, may 133 flights pa ang kinansela dahil sa inilabas na abiso ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Kabilang sa dagdag na 133 cancelled flights ang 112 domestic flights at 21 international flights.

“Nakatanggap po kami ng abiso over the weekend mula sa CAAP na inutusan nila ang civil aviation companies to follow the ‘no-fly zone.’ Bawal po ang commercial aviation from the 40 nautical mile radius mula sa Philippine International Convention Center (PICC) sa period na November 18 – 19.”

Nauna nang inanunsyo ng PAL noong Nobyembre 5 na may 566 cancelled flight ang kanilang kumpanya.

Gayunman, balik-normal na ang operasyon sa November 21, Sabado. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply