9 testigo vs kidnap allegation ni Menorca, ilalabas

IHAHARAP ng mga lider ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang siyam na testigo para pasinungalingan ang mga isinampang kaso ng dating ministro na si Lowell Menorca II at kanyang pamilya.

Ayon kay Patricia Ann Prodigalidad, abogado ng INC, bukas ay nakatakda nilang iprisinta sa Court of Appeals (CA) bilang bahagi ng pagpapatuloy ng hearing sa petition for habeas corpus at amparo na inihain ni Menorca, kapatid na Anthony at hipag na si Jungko Otsuka.

Kabilang sa mga testigo ay ang dalawang security guard na magpapatunay na si Menorca at kanyang pamilya ay hindi puwersahang ikinulong sa INC compound sa Quezon City.

Nabatid na sa unang hearing noong Nobyembre 3 ay ipinag-utos ng Seventh Division ng Court of Appeals sa magkabilang panig na magsumite ng affidavit ng kanilang mga testigo.

Kabilang sa mga CA justice na nagdesisyon para ituloy ang hearing ay sina Associate Justices Magdangal de Leon, Victoria Isabel Paredes at Elihu Ybañez. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply