Bisita sa APEC, sobra

AMINADO ang organizers ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit na higit pa sa mga unang pagtaya ang dumarating na bilang ng mga bisita sa ating bansa.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, bagama’t handa ang Pilipinas sa mas marami pang bisita, tiyak umanong magiging puno ang schedule ng mga nangangasiwa sa APEC preparation.

Maliban sa mahigit 20 state leaders, secretaries, trade officials, nariyan din umano ang daan-daang media delegation na tututok sa kabuuan ng APEC.

Para naman kay National Organizing Committee Director General Marciano Paynor, sulit ang P10-bilyong ginastos ng pamahalaan dahil long-term ang magiging epekto ng mga mapagkakasunduan sa leaders meeting.

Muli ring nilinaw ni Paynor na hindi lang para sa linggong ito ang inilaang pondo para sa APEC preparation dahil mula pa noong Enero ay kabi-kabilang aktibidad na ang isinagawa sa Cebu, Iloilo, Bataan, Boracay, Tagaytay at iba pang lugar na bahagi ng APEC hosting ng Pilipinas. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply