‘No-sail zone’ sa Manila Bay, ikinasa na

nosailzone

IPINAHAYAG ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Meeting organizer sa mga mangingisda sa paligid ng Manila Bay na bawal nang maglayag sa ilang bahagi ng karagatan ngayong araw hanggang Nobyembre 23.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), sisimulan ngayong araw ng binuong Task Group Maritime Securty ng APEC 2015 ang pagpapatupad ng “no-sail zone.”

Sakop nito ang two nautical miles mula sa dalampasigan ng Pasig River hanggang Pasay City.

Inabisuhan naman nila ang mga gustong maglayag na kumuha ng permiso sa task group para mabantayan ang mga ito ng coast guards.

Samantala, isasagawa din ang send-off ceremony ng tropang magbabantay sa mga karagatan para sa APEC meeting.

Binubuo ang floating asset ng PCG, PNP at Navy ng 70 kataong magmamando sa mga commision vessel ng coast guard fast craft at mga yate.

May karagdagan na ring PNP, Philippine Army (PA) at Philippine Air Force (PAF) personnel na magbabantay sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply