Sen. Lapid, nagpiyansa sa fertilizer fund scam

lito-lapid1

NAGPIYANSA kaninang umaga (Nobyembre 9) si Sen. Lito Lapid sa Sandiganbayan First Division kapalit ng kanyang pansamantalang kalayaan sa kasong katiwalian kaugnay sa kanyang pagkakasangkot sa fertilizer fund scam.

Kasamang ng kanyang mga abogado, nagpunta agad si Lapid sa office of the clerk ng korte ng First Division para sumailalim sa booking procedure.

Sa resibo mula sa Sandiganbayan Cashier Division, nagbayad si Lapid ng P30,000 bail bond in cash.

Si Lapid ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 3(e) at 3(g) ng Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa umano’y maanomalyang pagbili ng overpriced liquid fertilizers na nagkakahalaga ng P4.761-milyon nang hindi nagsasagawa ng public bidding.

Sinabi ng Office of the Ombudsman na nagsampa ng kaso nitong nakaraang linggo na ang biniling bagay ay overpriced nang mahigit sa P4.268-milyon.

Ang katiwalian ni Lapid at ng iba pang akusado ay naganap noong May 2004 sa panahon na siya ang Pampanga governor.

Ang perang ibinili ng kuwestyunableng bagay ay mula sa P728-million funds ng Department of Agriculture (DA) para sa Ginintuang Masaganang Ani program. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply