US President Obama, nasa bansa na

DUMATING na sa bansa si US President Barack Obama para sa gaganaping Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit ngayong araw, November 17.

Pinangunahan nila Defense Sec. Voltaire Gazmin, Philippine Ambassador to the US Jose Cuisia, Jr. at US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg ang pag-welcome kay Obama sa Vilalmor Air Base.

Didiretso ang US President sa Sofitel Hotel sa Maynila sakay ng presidential chopper na Marine One kung saan bukas, Miyerkules, nakatakdang magsalita si Obama sa APEC CEO Summit.

Kasama niya ang iba pang pinuno ng APEC member economies hanggang sa hapunan na pangungunahan ng ating pangulong Noynoy Aquino.

Maliban sa APEC events, bibisitahin din ni Obama ang US-made BRP Gregorio del Pilar at ang Philippine Navy flagship vessel sa South Harbor sa Maynila.Harbor in Manila.

Nakatakda ring aniyang pag-usapan nila ng bansang China ang tungkol sa pinag-aagawan isla sa West Philippine Sea kung saan kamakailan lamang ay nagpatrolya rito ang mga pandigmang sasakyan ng US. ###

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply