PCSO magbibigay ng tulong sa mga nasalanta ni ‘Nona’

NAKAANTABAY na ang Philippine Charity Sweeptakes Office (PCSO) para magbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong ‘Nona’.

Sinabi ni PCSO vice chair at general manager Jose Ferdinand M. Rojas II, nakaalerto na ang kanilang PCSO branch offices sa Visayas at Southern Tagalog ganoon din ang Bicol Region para sa pagbibigay ng tulong.

Inatasan na rin ng Charity Sector ng PCSO ang kanilang Special Projects division na makipag-coordinate sa mga branch offices upang magbigay ng calamity asisstance sa mga pamilya ng mga nasalanta ng bagyong ‘Nona’. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply