6-month maternity leave, inihain ni Rep. Pacquiao

rep.-pacquiao1

INIHAIN sa Kamara ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao ang maternity leave nang kalahating taon.

Isinulong ng mambabatas na gawing anim na buwan o 180-araw ang maternity leave para sa mga empleyado ng gobyerno at pribadong sektor.

Batay sa House Bill 3590, itinatakda na ang babaeng empleyado na nakapagtrabaho na sa pamahalaan o alinmang pribadong kumpanya sa loob ng dalawang taon pataas ay maaaring mag-avail ng anim na buwang maternity leave nang buo ang bayad ng sahod nito.

Ngunit kung isang taon pa lamang siya sa trabaho ay entitled pa din ito sa anim na buwang maternity leave ngunit kalahati na lamang ang magiging suweldo nito.

Iginiit ni Pacquiao sa panukalang negatibo para sa babaeng empleyado kung kulang sa panahon para maka-recover ang mga ito mula sa panganganak dahil nagiging dahilan ito ng absenteeism at humihina ang performance sa trabaho.

Aniya, karamihan sa mga bansa sa|Europa ay nagbibigay na ng ganito kahabang maternity leave.

Sa Asya naman ay tanging ang Vietnam lamang ang nagbibigay ng anim na buwang maternity leave sa mga empleyado.

Samantalang ang Indonesia, Cambodia, China, Laos at Thailand ay nagbibigay lamang ng tatlong-buwang maternity leave with pay. MELIZA MALUNTAG

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply