Clippers kinatay ang Pelicans

SUMANDAL sa extra period ang Los Angeles Clippers para tambangan ang New Orleans Pelicans, 114-111, sa 2015-16 National Basketball Association (NBA) regular season.

Tumikada si Chris Paul ng 22 points at 11 assists upang tulungan ang Clippers na itarak ang kanilang nine-game winning streak.

“Yesterday we didn’t shoot well and our defense held up for us. Today our defense wasn’t as good as it was yesterday,” ani All-Star point guard Paul. “They were getting in the paint and making shots, especially early. But luckily we held on, and we’ll take it. All of them aren’t going to be pretty.”

Nag-ambag din si Jamal Crawford ng 21 puntos habang may 15 pts. si wesley Johnson para sa Clippers at punan ang opensang naiwan ni Blake Griffin na may injury.

May tinulong din si L.A. centre DeAndre Jordan na 12 points at 11 rebounds.

Kinapos naman ang kinana nina Jrue Holiday at Tyreke Evans na 29 at 26 puntos, ayon sa pagkakasunod, para itaguyod ang Pelicans sa panalo.

Samantala, winasiwas ng Cleveland Cavaliers ang Philadelphia Sixers, 95-85, habang pinagpag ng New York Knicks ang Milwaukee Bucks, 100-88. ELECH DAWA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply