100 days maternity leave, ikinasa sa Kamara

MATERNITY LEAVE na 100 araw sa lahat ng ina, kasal man o hindi.

Ito ang amyenda na isinusulong ni Las Piñas Rep. Mark Villar, chairman ng House Committee on Trade and Industry.

Sa kasalukuyan, nasa 60 – 78 araw lamang ang naibibigay na maternity leave sa mga ina taliwas aniya sa isinasaad ng international standard na 14 na linggo.

Isinulong ng kongresista ang House Bill 6399 o One-Hundred (100) Day Maternity Leave Law na ngayon ay nakasalang na sa House Committee on Women and Gender Equality.

Ang panukala ay nagbibigay ng opsyon sa mga inana mag-avail ng dagdag na 30 araw na maternity leave ngunit ito ay wala nang bayad.

“By institutionalizing reforms in the system, we hopeto find a more sustainable approach so that mothers would not have to choose between family and work,” giit pa ni Villar.

Pina-aamyendahan din ng mambabatas ang kasalukuyang batas na naglilimita sa benefits ng maternity leave sa mga kasal lamang na empleyado ng gobyerno.

Batay sa Section 12, Rule 16 ng Omnibus Rules, Executive Order No. 292 ng 1987 Administrative Code na maipatupad pa rin ang patakaran noong Commonwealth government na tanging mga kasal na empleyado ng gobyerno ang may pribilehiyo sa maternity leave.

Paliwanag pa ng kongresista, panahon na para itama ang nasabing seksyon ng batas dahil ito ay isang diskriminasyon sa mga single moms.

Aniya, hindi dapat ituring na isang second-class citizen ang mga hindi kasal at mga single parent sa bansa dahil pareho naman ang karapatan ng bawat magulang na bigyan-panahon ang mga bagong silang na sanggol.

Higit aniya sa lahat ay dapat kinikilala ang natatanging papel ng mga empleyadong kababaihan sa larangan ng pag-unlad ng bansa.

Nakapaloob din sa HB 6399 na mabigyan ng 60 days maternity leave para sa mga ina na normal delivery at 78 days maternity leave para sa mga ina na sumailalim sa caesarian section at opsyon na 30 araw pa kung kailangan. MELIZA MALUNTAG

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply