59 pts. ni Davis, bumuhat sa Pelicans

NAGPASABOG si Anthony Davis ng 59 points at 20 rebounds upang paluhurin ng New Orleans Pelicans ang Detroit Pistons, 111-106, sa 2015-16 National Basketball Association (NBA) regular season.

Ang iniskor ni star center Davis ay tumala ng franchise record at pinakabatang player na gumawa ng 50 pts. at 20 rebounds-pataas.

“That was a lot of fun, because the rim looked so big that it felt like everything I shot was going to go in,” wika ni Davis. “I wasn’t keeping track of my point total, but the guys were telling me at the timeouts. They wanted me to get 60.”

Nakatulong ni Davis sa opensa si Jrue Holiday matapos magtala ng 20 pts., siyam na assists at pitong rebounds para hablutin ang pangalawang sunod na panalo ng Pelicans at ilista ang 22-33 karta.

Si Reggie Jackson naman ang umungos sa puntusan para sa Detroit sa itinalang 34 markers at tig-apat na boards at assists.

Nalaglag ang Pistons sa 27-29 baraha.

Samantala, tinalo ng Cleveland Cavaliers ang Oklahoma City Thunder, 115-92, para ipinta ng Cavs ang 40-14 card.

May tinipa si Kevin Love na 29 points at 11 rebounds habang bumakas si basketball superstar LeBron James ng 25 puntos at 11 assists para manatiling nasa unahan ng East.

Sinuwag naman ng Chicago Bulls ang Los Angeles Lakers, 126-115, habang kinaldag ng Indiana Pacers ang Orlando Magic, 105-102. ELECH DAWA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply