James at Irving, kumayod sa panalo ng Cavs

KUMAYOD sa opensa sina All-Star point guard Kyrie Irving at basketball superstar LeBron James upang tulungan ang Cleveland Cavaliers na ibalandra ang New Orleans Pelicans, 99-84, sa 2015-16 National Basketball Association (NBA) regular season.

May pinagsamang 17 pts. sina Irving at four-time NBA, MVP James sa fourth quarter upang putulin ang two-game skid ng Cleveland at manatili sa unahan ng Eastern Conference hawak ang 36-14 win-loss record.

“We need to win every time we play, but coming off those two losses we had to show our mental toughness and understand we have to take care of home floor,” ani Irving.

Bumira si Irving ng 29 puntos habang may binakas na 27 points at walong assists si basketball superstar LeBron James.

Kahit hindi naglaro si Kevin Love ay umarangkada agad ang Cavaliers sa pagbubukas ng laro kaya naman kahit nag rally ang New Orleans sa second half ay kinapos sila.

Nahablot ni Cleveland coach Tyronn Lue ang pang-anim na panalo sa siyam na salang.

Nagtala si Norris Cole ng career-high 26 points may nag-ambag si Anthony Davis ng 24 points at 11 rebounds para sa New Orleans na nalasap ang pang-apat na sunod na talo.

“LeBron made some tough turnarounds, Kyrie made big shots,” saad ni Davis. “The shots they took, we can live with them. They just went in tonight.”

Abante ang Cleveland, 54-39, sa second quarter pero naibaba ng Pelicans sa apat na puntos na paghahabol sa second half.

Si Cole na may 10 of 19 sa field goal ay tumipa ng 14 points sa third canto para tulungan ang New Orleans na makahabol.

Papasok ng fourth period, lamang na lang ang Cavs ng apat na puntos, 74-70.

Bumanat din si J.R. Smith ng 20 points markers kasama ang anim na 3-pointers habang si Tristan Thompson na walang iskor ay may 15 rebounds sa 33 minutes na paglalaro sa Cleveland.

Samantala, pinayuko ng defending champions Golden State Warriors ang Oklahoma City Thunder, 116-108, habang kinalmot ng Minnesota Timbewolves ang Chicago Bulls, 112-105. ELECH DAWA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply