Karambola ng sasakyan sa Egypt, 21 patay

UMABOT sa 21 katao ang nasawi habang 16 ang sugatan makaraang magkarambola ang maraming sasakyan bunsod ng nararanasang hamog sa timog ng Cairo, Egypt.

Base sa statement ng Health Ministry ng Egypt, ang makapal na hamog at matulin na pagpapatakbo ng mga driver ang dahilan ng karambola ng mga sasakyan malapit sa Beni Suef.

Dahil sa dami ng mga sasakyan na naaksidente ay isinara pa ang kalsada nang tatlong oras.

Napag-alamang aabot sa 10,000 ang namamatay sa Egypt kada taon sa aksidente dahil na rin sa hindi namimintinang mga kalsada at pagbalewala ng mga drivers sa traffic rules. MARJORIE DACORO

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply