Maj Gen. San Juan, bagong PMA Superintendent

MASAYANG tinanggap ng bagong superintendent ng Philippine Military Academy (PMA) ang pormal na pagkakaluklok nito sa puwesto kasunod nang pagreretiro ni outgoing Supt. Lt. Gen. Oscar Lopez sa Pebrero 17.

Sa kanyang talumpati, galak na sinabi ni incoming superintendent Maj. Gen. Donato San Juan ng Class 1984, hindi lamang daw niya mapapanood ang mga kadete na nagmamartsa kundi makakasama na niya ang mga ito sa paghubog ng kanilang kagalingan.

Kahapon, bandang alas-tres ng hapon, ay idinaos ang turnover of command sa naturang opisyal na pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines chief-of-staff Gen. Hernando Iriberri.

Pinuri ni Iriberri ang naging mahalagang papel ni Gen. Lopez sa paghubog sa mga kadete para maging mabuting lider ng armadong puwersa ng bansa.

Si Lopez na mula sa Dimalupig Class of 1981 ay nagsilbing superintendent ng PMA mula noong Pebrero 2014 at dating pinuno ng Resource Management Office sa General Headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Camp Aguinaldo.

Samantala, sa susunod na linggo naman gaganapin ang PMA alumni homecoming. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply