Mala-impyernong panahon, mararanasan sa Marso – PAGASA

NAGBABALA ang PAGASA na mas mainit na panahon ang mararanasan sa pagpasok ng Marso at Abril.

Ayon kay Anthony Lucero, chief ng Climate Monitoring and Prediction Section ng PAGASA, ang mas mainit na panahon ay dahil sa pagtama ng El Niño phenomenon sa bansa.

Sa ngayon, patuloy nilang mino-monitor ang mga apektadong lugar sa bansa lalo na sa Mindanao na matinding inaapektuhan ng tagtuyot.

Aniya, binabantayan nila ang mga lugar na hindi na nakararanas ng pag-ulan sa loob ng tatlo hanggang apat na linggo.

Lalo pa umanong titindi ang mainit na panahon pagpasok ng summer season dahil sa epeko ng matinding tagtuyot.

Samantala, sa Hunyo o Hulyo pa malalaman kung magkakaroon ng La Niña o hindi.

Paliwanag ni Lucero, kapag nagkaroon ng matinding tagtuyot ay posibleng kapalit nito ang malakas na La Niña. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply