Ronda Rousey, nagtangkang magpakamatay

MATAPOS ang masaklap na pagkatalo, nagtangka umanong magpakamatay si UFC star Ronda Rousey.

Ito ang ibinulgar ng mixed-martial arts artist ng makapanayam ng sikat na palabas na The Ellen DeGeneres Show.

Ayon kay Rousey, naisip niyang wala nang kwenta ang kanyang career matapos ang pagkatalo.

Dahil sa suporta ng kanyang kasintahang si UFC heavyweight Travis Browne, nawala sa isip niya ang pagpapakamatay.

Si Rousey ay dating Olympic judo medalist sa 2008 sa Beijing.

Ang ama nito ay nagpakamatay noong ito’y walong-taong gulang pa lamang. MARJORIE DACORO

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply