Fish vendor, utas sa karibal sa negosyo

HINDI na nakapagtinda pa sa palengke ang isang fish vendor nang pagbabarilin ito ng dalawang hindi nakikilalang armadong lalaki sa Quezon City, kaninang madaling-araw (Marso 31).

Dead-on-the-spot sanhi ng dalawang tama ng bala sa ulo ang biktimang si Mary Jane Magdaraong, 43, ng Martan St., Bgy. Commonwealth, Q.C.

Blangko pa ang QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) investigators, kung sino ang nasa likod ng pagpatay pero isa sa sinisillip na motibo ay banggaan sa negosyo.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 4:25 a.m. sa tapat ng bahay ng biktima.

Ayon sa CIDU, bago ang insidente ay abala ang biktima at anak nitong dalagita na hindi nakuha ang pangalan sa paghango ng mga isda na kanilang ititinda sa palengke.

Pumasok muna ng bahay ang biktima para kunin ang iba pang gamit at nang lumabas ulit ay biglang sumulpot ang mga suspek saka ito pinagbabaril.

Bago tumakas sa kanilang motorsiklo ay binaril din ng mga suspek na ang aso ng biktima na panay ang kahol.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Aida Mamatoc, hinala niyang may kaugnayan sa negosyo ang motibo sa pagpatay sa biktima. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply