Proklamasyon ni Erap, dinumog

UMABOT sa 40,000 supporters ang dumalo sa proclamation rally ni Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada sa Liwasang Bonifacio ngayong Lunes ng gabi, Marso 28.

Isa-isa ring ipinakilala ng alkalde ang kanyang mga kaalyadong konsehal sa bawat distrito, maging ang ilang mga congressman, senador, mga kilala at mga batikang aktor at singer sa industriya ng showbiz kung saan nagsimula si Erap.

Dumating sa proclamation rally ang dating bise alkalde ng Maynila na ngayo’y sumabak sa mas mataas na posisyon bilang senador na si Francisco “Isko” Domagoso Moreno.

Dumalo rin sina Congressmen Banzai Nieva ng District 1; Yul Servo ng District 3 ; Edward Maceda ng Dist. 4; Joey Hizon ng District 5; at Benny Abante ng District 6. Walang kaalyadong congressman si Estrada sa ika-2 distrito ng Maynila.

Nakiisa rin dito sina senatorial candidate Francis Tolentino, Cong. Neri Colmenares at Win Gatchalian.

Naroon din upang magpakita ng kanilang suporta ang maybahay ni Estrada na si Loi Ejercito, kanyang mga anak at ilang mga kaibigan sa showbiz at kilalang singer na sina Eddie Garcia, Tirso Cruz III, April Boy Regino at Andrew E.

Sa pagpapatuloy ng proclamation rally, ganap nang inendorso ni Estrada si Poe bilang kanyang pangulo ng bansa.

Nagpasalamat naman si Poe sa kanyang ninong Erap dahil siya ang napiling suportahan nito sa darating na May 9, 2016 election.

Samantala, tila nilangaw naman umano ang proclamation rally ng mga kalabang nakasabayan ni Estrada ngayong araw. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply