Duterte, hinamong pangalanan ang nagkasalang pari

HINAMON kaninang umaga (Mayo 24) ni Archbishop Emeritus Oscar Cruz si incoming President Rodrigo Duterte na pangalanan ang mga paring alam niyang nagkasala at huwag silang lahatin sa simbahan.

Ito ang naging reaksyon ni Cruz nang tawagin ni Duterte na “hypocrite institution” ang Simbahang Katoliko at ang akusasyon nitong may mga pari umanong may asawa at humingi pa ng sasakyan sa Philippine Charity Sweesptakes Office (PCSO).

Hindi niya ikinakaila na nagkakasala din sila bilang tao ngunit kung ang mga akusasyon ni Duterte ang pag-uusapan ay kailangan na pangalanan nito ang mga paring iniuugnay niya sa kanyang paratang.

Tiniyak naman ni Cruz na nakahanda ang simbahan na gumawa ng karampatang aksyon hinggil sa nasabing usapin.

Samantala, inako naman nito na may pitong obispo na humingi ng sasakyan sa PCSO upang may magamit para sa pangangailangan ng mga mahihirap na tinutulungan ng simbahan.

Sinabi ni Cruz na ang mga sasakyan ay pawang second-hand, ngunit nang mabatid na hindi tama ang nangyari ay ibinalik din ito ng mga obispo sa PCSO.

Dagdag pa ni Cruz, ang mga nasabing akusasyon ng incoming president ay luma o matagal na. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply