Duterte, naglabas ng bank certificate sa ‘secret bank accounts’

duterte8]

NAGLABAS na rin si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ng certification sa balanse sa kanyang account sa Bank of the Philippine Islands (BPI).

Inilabas ni Duterte ang sertipikasyon na may petsa na as of March 31, 2014, dahil na rin sa alegasyon ni Sen. Antonio Trillanes IV na multi-milyong mga deposito na wala umano sa SALN ng alkalde.

Giit naman ng mayor, nasa P17,816.98 lamang ang balanse ng kanyang BPI account as of March 31, 2014.

Ito raw ay tatlong araw matapos ang kanyang birthday na unang sinabi ni Trillanes na merong mahigit P200-million ang deposito bilang regalo sa alkalde mula sa kanyang mga kaibigan.

Mula nang lumabas ang iskandalo hanggang nitong Martes, umabot na sa P120,000 ang deposito sa account ni Duterte matapos magdeposito ang iba’t ibang personalidad upang ito’y subukan.

Una nang isinapubliko ni Trillanes ang summary ng mga deposito na nasa pangalan ng mayor. Umabot pa umano ito sa P2.4-billion.

Sa isyu naman ng dollar account, nakasaad daw sa isa pang setipikasyon sa pangalang Rodrigo Roa Duterte or Rodrigo Roa Duterte and Sara Z. Duterte, na kanyang anak, ang $5,021.70 as of March 31, 2014.

Wala umano itong movement mula taong 2013 at 2016, hanggang sa merong magdeposito sa kanyang undeclared dollar account.

Sa ngayon, ang dollar account ni Duterte ay naglalaman na ng $5,065.33, o katumbas ito ng P239,000 kung ma-convert sa piso. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply