Pinoy teen wrestlers sa US competition: 3 gold, 1 silver medal

UNTI-UNTI nang natutupad ng Filipino teen wrestler ang kanyang pangarap na makapasok sa Olympics matapos ibulsa ang dalawang gintong medalya sa 19th Annual Boys and Girls Wrestling Competition sa Vallejo, California.

Panalo ang atletang si Anthony Arcilla, Jr., 17, ng dalawang gold medals sa freestyle at folkstyle wrestling categories.

“Kasi ito po ‘yung gusto kong i-represent kahit saang competition po. Gusto ko pong makarating ng Olympics po,” ani Arcilla.

Maliban kay Arcilla, nasungkit din ni Royce Tiu ang isang gold at silver medal sa kompetisyon.

Ayon sa coach ng dalawang Pinoy wrestler na si Miguel Plana, dinomina ng mga atleta ang laban dahil sa puspusang pagsasanay sa bansa.

“Made in the Philippines ‘yung training nila, hindi ‘yung dun nagte-training. From the Philippines talaga, nag-training, pumunta sa States and nag-compete. Si Anthony and Royce, almost literally wiped out their division,” wika ni Plana. MARJORIE DACORO

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply