Politikong aktor tambay sa mga Class A club

blind-item1

NAKATATAWA naman itong isang aktor na politiko na matagal-tagal na naman sa mundo ng showbiz at pulitika. Madalas kasi ito sa casino at sa mga night club na class A.

Kung dati-rati’y mahirap lamang siya, ngayon ay malaki na ang kita niya dahil marami silang nagagawang proyekto sa kanilang lungsod at buwan-buwan ay may pera silang natatangap galing sa mga sugalan.

Ang nasabing politiko ay mabait naman sa mga reporter, masarap nga siyang kasama dahil madalas libre siya sa mga malalaking club. Pero minsan, nag-away sila ng kanyang asawa dahil natalo ito nang malaki sa isang sugalan sa Binondo, Maynila.

Ang nasabing politikong artista na ito ay madaling lapitan kaya naman gustung-gusto siya ng mga tao. Pero kapag hindi umiwas sa pagsusugal at pambababae ang politikong artista na ‘to, malamang maghirap siya lalo’t natalo siya sa 2016 elections.

Kaya dapat iwasan niya ang mga barkada niyang hindi magandang impluwensiya sa kanyang para maging maganda ang takbo ng career niya.

&&&&&

“Dabarkads po ako simula nu’ng bata pa ako, hindi po kumpleto ang araw ng pamilya ko kapag hindi kami nakapanood ng Eat Bulaga. Salamat po at bumisita kayo dito sa barangay namin. Hinding-hindi ko po makalilimutan ‘yung experience na ito.” Marie Franz Tioco.

Iba talaga kapag number noon time show at Tito, Vic at Joey. Laging panalo sa Eat Bulaga ang mga tao.

&&&&&

Maraming napasasaya si Willie sa kanyang show na Wowowin Mula Lunes – Biyernes. Kitang–kita naman sa telebisyon lalo na ‘yung may mga problema kaya magandang show ito para sa GMA 7.

Hindi sila nagkamali kay Kuya Willie na kunin ito dahil nakatulong ito sa GMA 7 para sa rating ng nasabing istasyon. PALABAN/GARY STA. ANA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply