Warriors muling sasabak sa NBA Finals

KINUMPLETO ng Golden State Warriors ang kanilang rally matapos pasukuin ang Oklahoma City Thunder, 96-88, sa Game 7 ng Western Conference finals ng 2015-16 National Basketball Association (NBA).

Lubog sa 1-3 ang defending champion matapos ang Game 4, pero nanatili ang tibay ng kanilang dibdib upang sikwatin ang titulo sa Western Conference sa kanilang best-of-seven series.

Pang-10 team na ang Golden State na nakabalik mula sa 1-3 series, haharapin ng Warriors ang Cleveland Cavaliers na pinamumunuan ni basketball superstar LeBron James para sa NBA title.

“We survived by the skin of our teeth,” saad ni coach Steve Kerr. “We were able to pull it out, and we’re moving on.”

Nagtala si back-to-back MVP Stephen Curry ng 36 points, eight assists at five rebounds habang bumakas si Klay Thompson ng 21 puntos at limang boards para sa Warriors.

“This is who he is. Having a clutch performance in a Game 7, that’s Steph Curry,” ani Kerr.

Hawak ng Warriors ang 11 point-lead wala ng tatlong minuto sa orasan pero naibaba ito sa apat na puntos, 90-86, may 1:18 na lang sa orasan.

Limang segundo na lang ang shot clock ng Warriors subalit aksidenteng na foul ni Serge Ibaka si Curry sa three-point area.

Sinalpak ni Curry ang tatlong free throws para selyuhan ang laban.

Nirehistro ni star player Kevin Durant ang 27 puntos at pitong boards para sa OKC habang may kinanang 19 markers, 13 assists at pitong rebounds si Russell Westbrook

Magsisimula ang rematch ng Warriors at Cavs sa Huwebes (Biyernes sa Pilipinas) sa Oracle Arena, bahay ng Warriors. ELECH DAWA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply